Martes, Hulyo 29, 2014

Pambubulas


Pambubulas


                          

                                      Ang pambubulas o "bullying" sa ingles ay isang paraan ng panankit sa pisikal o emosyonal na parte ng isang indibidwal o grupo ng mga tao. Kadalasan, sa paaralan nangyayari ang pambubulas.
                                     Maraming epekto ang maaaring idulot nito sa isang tao. Ang pinakamalala ay ang pagpapakamatay na dulot ng depresyon dahil sa pambubulas.Kadalasan ang binubulas ay may ibang pisikal na kaanyuhan, tahimik o di kaya naman ay galing sa mahirap o magulong pamilya. Dahil dito, maraming pwedeng ipintas ang mga tao sa kanya. Minsan ay tinatawag ng kuna anu-anong pangalan, kinukuhanan ng pera o baon, o kaya naman ay sasaktan ng pisikal. patuloy na mabubulas ang isang tao kung ipagwawalang bahala lang niya ang mga ginagawa sa kanya ng nambubulas.
                                       Bakit nambubulas ang isang tao?marami ang posibleng dahilan. isa dito ay ang pagkainggit. maaari ding gustong magpasikat o magmayabang. posibleng dahilan din ang pagkakaroon ng magulong pamilya. Maaaring sa bahay ay nakikita niyang nag-aaway ang kanyang mga magulang at naisipan niya itong gayahin at gawin sa kanyang kaklase.
                                        Importanteng maturuan ng tamang ugali o kilos ang isang bata o tao nang sa gayon ay wala siyang masaktan at hindi siya mapahamak. Kailangan nating turuan at pangalagaan ang mga bata at kabataan ngayon dahil sila ang maaaring mag-angat ng ating bayan. Sabi nga ni Jose Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."